^

Balita Ngayon

PNoy 'di umubra sa pagbibitiw ni NBI chief Rojas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinanindigan ni National Bureau of Investigation Director Nonnatus Rojas ang kangyang pagbibitiw sa kabila nang pagpigil sa kanya ni Pangulong Benigno Aquino III.

Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima ngayong Huwebes na wala nang balak si Rojas na bumalik sa kanyang puwesto matapos siyang magbitiw kasunod nang pagkastigo ni Aquino sa ahensya.

"I tried already thrice convincing Director Noni to reconsider, to change his mind. Even the President also talked to him already and it seems he's also unsuccessful," sabi ni De Lima.

"Sabi niya, 'Ma'am, I really feel that it is the most honorable thing to do. When I leave, at least I have my honor and integrity intact'," dagdag ng kalihim.

Iginiit ni De Lima na hindi si Rojas ang dapat magbitiw sa puwesto dahil buo pa rin ang tiwala sa kanya ng Pangulo.

Kaugnay na balita: De Lima pinagbibitiw ang ilang NBI Deputy Directors

"I'm urging them to tender courtesy resignation... therefore the President would have the prerogative whether or not to accept, if they are worthy of retention," sabi ni De Lima.

 

AQUINO

DE LIMA

DEPUTY DIRECTORS

DIRECTOR NONI

EVEN THE PRESIDENT

JUSTICE SECRETARY LEILA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION DIRECTOR NONNATUS ROJAS

PANGULONG BENIGNO AQUINO

ROJAS

WHEN I

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with