^

Balita Ngayon

BP ni Napoles pumalo sa 200/130

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muli na namang nakaranas ng pagtaas ng presyon ang umano'y utak sa likod ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles sa Fort Sto. Domingo sa Laguna.

Pumalo sa 200/130 ang blood pressure ni Napoles kaninang madaling araw ng Martes ayon kay Philippine National Police (PNP) public information office chief Senior Supt. Rueben Theodore Sindac.

Dagdag niya na dumaing si Napoles ng pagmamanhid ng kanyang mukha at sakit ng ulo.

Matapos painumin ng gamot ay gumanda ang kalagayan ni Napoles sa 140/80 bandang ala-5 ng umaga.

"We expect her lawyers to visit her any time today to include her private doctors. Immediate family members will be authorized to visit her  from 1 p.m. to 4 p.m.," sabi ni Sindac.

Mula nang ilipat si Napoles sa Fort Sto. Domingo nitong kamakalawa ay hindi naging maganda ang kalagayan niya. Kahapon ay tumaas din ang presyon niya dahil umano sa claustropobia.

Pinahihigpitan ni Sindac ang pagbantay sa kinakainin ni Napoles upang maiwasan na lasunin siya, kung saan dalawang babaeng miyembro ng Special Action Force ang nakabantay.

Nauna nang sinabi ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas  na pareho ang kakainin ni Napoles sa mga ipinapakain sa trainee ng SAF training camp.

Iginigiit ni Roxas na wala silang ibinibigay na special treatment kay Napoles.
 

 

DOMINGO

FORT STO

JANET LIM-NAPOLES

NAPOLES

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RUEBEN THEODORE SINDAC

SENIOR SUPT

SINDAC

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with