^

Balita Ngayon

'Napoles sinuhulan ang iba pang pork scam whistleblower'

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinubukan umanong suhulan ng umano’y utak sa likod ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles ang iba pang whistleblower upang tumahimik, ayon sa kampo ni Benhur Luy na nagsiwalat ng kontrobersya sa Project Development  Assistance Fund (PDAF).

Sinabi ng abogado ni Luy na si Levito Baligod na nakatanggap ng tawag ang apat na bagong testigo mula kay Napoles.

"Tinawagan sila (ni Napoles)... 'Huwag niyo akong idiin, tutulungan ko kayo. Ang idiin niyo si Benhur Luy'" kuwento ni Baligod.

Dagdag ni Baligod na halagang P20,000 ang inalok ng mga tauhan ni Napoles kapalit ng kanilang katahimikan.

"I did not ask if tinanggap nila (whistle-blowers). Pero parang tinanggap nila," ani Baligod.

Sinabi pa ni Baligod na sinubukang tugisin ng National Bureau of Investigation ang mga tauhang nag-alok ng suhol.

"I see them as credible also. They have a real feeling na gusto rin nilang bumawi sa bayan," sabi Baligod tungkol sa mga iba pang whistleblower.

Umaasa naman si Baligod na lulutang pa ang ibang may alam sa pork barrel scam.

 

ASSISTANCE FUND

BALIGOD

BENHUR LUY

DAGDAG

JANET LIM-NAPOLES

LEVITO BALIGOD

NAPOLES

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PROJECT DEVELOPMENT

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with