^

Balita Ngayon

Sina Derek at Crisitine na?

The Philippine Star

MANILA, Philippines – Mag-on na nga ba sina Kapatid actor Derek Ramsay at Kapamilya actress Cristine Reyes?

Sa ulat ng entertainment website na PEP.ph ngayong Huwebes, inamin ni Derek na may relasyon sila ni Cristine.

Sa kanyang Twitter account ay sumagot si Derek sa isang tanong ng kanyang follower na “Sorry but u really said that u keep in private ur next relationship, but for now u and Cristine ‘daw’ she's also fr showbiz.”

Sumagot ang hunk actor at sinabing kinain niya ang kanyang mga sinabi noon.

Nang tanungin naman si Cristine kahapon sa press conference ng kanyang bagong show na “Bukas Na Lang Kita Mamahalin” sinabi niyang single pa rin siya ngunit kaagad din niya itong binawi.

“Same pa rin. Single pa rin ako. I don’t know. Nag-i-entertain,” unang sagot ni Cristine pero nagpahabol ng: “Nagsisinungaling lang ako, please. I-delete niyo iyon!”

Ayaw naman magsalita ni Cristine kung sila na nga ba ni Derek, aniya, gusto niyang masigurado ang lahat bago niya ito kumpirmahin sa iba.

“Hindi ko pa alam kung paano sasagutin iyan sa ngayon. Dahil gusto ko kung magsasalita ako, yung sure na. Gusto ko yung sigurado na talaga,” banggit ni Cristine.

“If ever man may sasabihin ako, yung sigurado na,” dagdag niya.

Nagkasama sa pelikulang “No Other Woman” ng Star Cinema ng ABSCBN sina Derek at Cristine noong 2011.

Huling girlfriend ni Derek si Angelica Panganiban, habang noong Enero naghiwalay si Cristine at Rayver Cruz.

ANGELICA PANGANIBAN

BUKAS NA LANG KITA MAMAHALIN

CRISTINE

CRISTINE REYES

DEREK

DEREK RAMSAY

NO OTHER WOMAN

RAYVER CRUZ

STAR CINEMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with