Binay umaaasang sasabihin ni Napoles ang katotohanan
MANILA, Philippines – Maaga pa upang malaman kung maaaring maging state witness si Janet Lim-Napoles, ayon kay Bise Presidente Jejomar Binay ngayong Huwebes.
Sinabi ni Binay na kailangang pumasa sa mga hinihingi ng batas si Napoles upang maging testigo sa bilyung-bilyong pork barrel scam kung saan siya ang itinuturong utak sa pangungurakot kasabwat ang mga mambabatas.
"As for the possibility that Mrs. Napoles be considered a state witness, as a lawyer, I would say it's too early to tell. There are requirements before a suspect is made a state witness, among these being that the evidence against the said suspect must be weak. And that has yet to be established," pahayag ni Vice President.
Kusang sumuko si Napoles kagabi kay Pangulong Benigno Aquino III dahil siya lamang daw ang magpagkakatiwalaan niya.
"Ang sabi po ni Atty. Kapunan sa amin, at inulit po ito ni Atty. Kapunan sa harapan ni Presidente na given the situation, siya lang ang tanging taong mapagkakatiwalaan ng pamilya Napoles," sabi ni Executive Secretary Edwin Lacierda.
Sinabi ni Binay na natuwa siya sa paglutang ni Napoles at umaasa siyang isisiwalat niya ang lahat ng kanyang nalalaman.
"It's good that she surrendered. I just hope she will tell the truth and bare everything she knows so that those involved in the scam would be brought to justice and be made accountable for their transgressions to the Filipino people, regardless of their political affiliations," sabi ni Binay.
- Latest
- Trending