^

Balita Ngayon

P10M pabuya sa ikadarakip ni Napoles - PNoy

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nag-alok na ng P10-milyong pabuya si Pangulong Benigno Aquino III ngayong Miyerkules para sa ikadarakip ng umano'y utak sa pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles.

Inialok ni Aquino ang pabuya matapos sabihin ng Bureau of Immigration kahapon na nawawala ang tatlong yate ni Napoles sa Makati Yacht Club.

Si Napoles ang umano'y nasa likod ng P10-bilyong pork barrel scam  kung saan hinihinalang kasabwat niya ang ilang mga mambabatas na nagpapasok ng kanilang pork barrel sa pekeng non-government organizations.

Lumabas sa pagsisiyasat ng Commission on Audit na tumanggap ng pondo mula sa mga mambabatas ang ilang NGO na nakapangalan kay Napoles noong 2007 hanggang 2009.

Pinaghahahanap ngayon si Napoles at kapatid niyang si Jojo Lim sa kasong illegal detention sa whistleblower na si Benhur Luy.

Naniniwala naman si Justice Secretary Leila de Lima na nasa bansa panang mag-utol.

"All existing leads na nakakalap ng [National Bureau of Investigation] ngayon point to the fact that they are still here but they are hiding," pahayag ni De Lima kahapon sa pulong balitaan ng Inter-Agency Graft Coordinating Council.

BENHUR LUY

BUREAU OF IMMIGRATION

DE LIMA

INTER-AGENCY GRAFT COORDINATING COUNCIL

JANET LIM-NAPOLES

JOJO LIM

JUSTICE SECRETARY LEILA

MAKATI YACHT CLUB

NAPOLES

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PANGULONG BENIGNO AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with