Bayan sa Palasyo: Hindi tayo magkakampi
MANILA, Philippines – Hindi kakampi ng libu-libong taong dumagsa sa Rizal Park nitong Lunes sa kilos protesta kontra pork barrel systema ang gobyerno, taliwas sa inaangkin nito, ayon sa militangteng grupong Bayan ngayong Martes.
Nagpahayag ng suporta ang Malacanang sa mga raliyistang nagtipun-tipon sa dating Luneta kasunod nang pagputok ng isyu na pangungurakot sa Project Development Assistance Fund (PDAF) ng ilang mga mambabatas at ng negosyanteng si Janet Napoles.
Kaugnay na balita: Palasyo sa 'pork' protesters: Magkakampi tayo
"If this is true, why is it that the people still protested despite Aquino’s announcement abolishing the PDAF last week? Why is it that the people have constantly mocked Aquino’s rebranded itemized pork? It’s because we were never on the same side to begin with and pork was never abolished," pahayag ni Bayan secretary general Renato Reyes Jr.
Nitong Biyernes ay iniutos ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagtatanggal sa PDAF o mas kilala sa pork barrel.
"Tens of thousands protested nationwide including overseas to demand the Aquino government to abolish all pork and to hold accountable those involved in the scam," dagdag niya.
Sinabi ni Reyes na dapat ay maghanda ang Palasyo sa mga protestang tulad ng nangyari kahapon sa Luneta na dinaluhan ng iba’t ibang tao mula sa iba’t ibang sektor tulad ng simbahan, paaralan, cause-oriented groups, mga trabahador at iba pa.
Inaakusahan ng Bayan na ayaw talaga ni Aquino tanggalin ang congressional pork dahil aabot sa P450 bilyon ang mawawala sa kanyang Special Purpose Funds.
- Latest
- Trending