^

Balita Ngayon

25 na patay sa Habagat, bagyong Nando hanggang Biyernes

AJ Bolando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umakyat na sa 25 katao ang nasawi dahil sa hagupit ng Habagat na pinalakas ng bagyong “Maring,” ayon s disaster response agency ngayong Lunes.

Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na mula sa Olongapo City, Zambales ang naitalang tatlong bagong biktima.

Nakilala ang mga bangkay na sina Archie Camueda, 37, Nazareth Dulao, 15, at Rafael Lementil, 43, na pawang nalunod.

Sa 25 nasawi ay 12 dito ay mula sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon), 11 sa Central Luzon, at tig-isa sa Cordillera at Metro Manila.

Sinabi pa ng NDRRMC na tatlong katao pa ang nawawala dahil sa pagragasa ng baha dahil sa walang tigil na pag-ulan noong nakaraang linggo.

Umabot na sa 642,884 pamilya o 2,928,348 na katao ang naapektuhan  ng habagat sa 18 probinsya.

Samantala, maaaring manatili sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong “Nando,” ayon sa state weather bureau.

Namataan ng PAGASA kaninang alas-4 ng umaga si Nando sa 560 kilometro silangan ng Baler, Aurora na may lakas na 55 kilometers per hour habang gumagalaw ito pa-hilaga hilaga-kanluran sa bilis na 15 kph.

Sinabi ni weather forecaster Fernando Cada na kung magpapatuloy ang paggalaw ni Nando ay hindi ito tatama sa kalupaan.

Pero hindi iniisang tabi ni Cada ang posibilidad na magbago ito ng direksyon dahil sa mabagal na paggalaw nito.

“Dahil medyo matagal ang paglabas nito (Nando) ng bansa,may posibilidad pa na magbago ang direksiyon nito sa mga susunod na araw lalo na at may ridge of high pressure area (HPA) ngayon, malapit sa northern Luzon, na posibleng makapag-pabago pa ng galaw nito,” pahayag ni Cada.

“Kung hindi naman lalakas iyong HPA, hindi na ito inaasahan na makaka-apekto pa sa pagalaw ng bagyo,” dagdag niya.

ARCHIE CAMUEDA

CADA

CENTRAL LUZON

FERNANDO CADA

METRO MANILA

NANDO

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

NAZARETH DULAO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with