MPD full alert sa Sabado para sa protesta kontra pork barrel
MANILA, Philippines – Itataas ng Manila Police District (MPD) ang full alert status sa lahat ng istasyon nito sa Sabado bilang paghahanda sa malakihang kilos-protesta laban sa paggamit ng pork barrel funds ng mga mambabatas sa Lunes.
Ayon kay MPD director Chief Superintendent Isagani Genabe bandang ala-una pa lamang ng tanghali sa Sabado ay isasailalim sa full alert status ang buong kapulisan sa Maynila.
Mananatiling naka-full alert ang mga pulis-Maynila hanggang Martes.
Inaasahang dadagsa sa Rizal Park ang maraming tao na galit nag alit dahil nang mabulgar ang umano’y maanomalyang paggastos ng pork barrel fund ng mga mambabatas.
Ang naturang protesta ay may temang “A Million People's March to Luneta.â€
Itinuturong utak ng anomalya ang negosyanteng si Janet Lim-Napoles, na ngayon ay ipinaghahanap na ng mga awtoridad matapos isyuhan ng warrant of arrest dahil sa kasong serious illegal detention na isinampa ni pork barrel scam whistleblower Benhur Luy.
Tumindi ang panawagan sa mga taong sumali sa protesta matapos ilabas ng Commission on Audit ang sarili nitong ulat hinggil sa nakakadudang paggamit ng mga mambabatas sa kanilang pork barrel funds.
- Latest
- Trending