^

Balita Ngayon

71 na patay sa Cebu ship collision

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umakyat na sa 71 ang narekober na bangkay sa katubigan ng Talisay, Cebu matapos magbanggaan ang dalawang barko nitong Biyernes, ayon sa Philippince Coast Guard (PCG).

Sinabi ng PCG ngayong Miyerkulesna patuloy pa rin nilang hinahanap ang 49 pasahero at tripulante ng MV St. Thomas Aquinas ng 2GO Group Inc.

Lumubog ang pampasaherong barko ng 2GO nang makabanggaan ang cargo vessel ng MV Sulpicio Express Siete habang papalapit sila sa pantalan ng Talisay City.

Bukod sa paghahanap sa mga nawawalang pasahero ay inaagapan din ng PCG ang pagtagas ng langis ng MV St. Thomas.

Sinabi ng 2GO na may karga ang barko na 20,000 litro ng diesel, 120,000 litro ng krudo, at 20,000 litro ng lube oil.

Binuo na ang Board of Marine Inquiry upang pangunahan ang imbestigasyon sa banggaan ng dalawang barko.

 

vuukle comment

BINUO

BIYERNES

BOARD OF MARINE INQUIRY

GROUP INC

PHILIPPINCE COAST GUARD

SINABI

ST. THOMAS

ST. THOMAS AQUINAS

SULPICIO EXPRESS SIETE

TALISAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with