Gov't offices wala pa rin pasok - Palasyo
MANILA, Philippines – Binawi ng Malacañang ang kanilang unang desisyon at sinabing wala nang pasok ang mga opisina ng gobyerno ngayong Martes dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan na nagdulot ng pagbaha sa Metro Manila.
Unang inanunsyo ng Palasyo na may pasok, ngunit kalauna’y kinansela na nila ito dahil sa matinding pagbuhos ng ulan dahil sa hanging habagat na pinalakas ng bagyong Maring.
Pero hindi kabilang dito ang mga may kinalaman sa risk reduction management.
“In the light of the severe flooding in some parts of Metro Manila and with the Orange Rainfall Advisory, upon both the recommendation of MMDA and PAGASA, the Executive Secretary has ordered the suspension of work in the government offices in Metro Manila today, August 20, except those involved in disaster risk reduction and management,†pahayag ni Secretary Edwin Lacierda.
Mula noong Linggo ay walang tigil ang ulan sa Metro Manila kaya naman nagdulot ito ng baha lalo na sa mga pangunahing daanan.
Kahapon ay sinuspinde rin ng Palasyo ang pasok sa mga opisina ng gobyerno.
- Latest
- Trending