^

Balita Ngayon

Walang pasok: SC, PSE, US Embassy

Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines – Walang operasyon ngayong Lunes ang mga korte sa Metro Manila, ayon sa Korte Suprema dahil sa pagbaha na dulot ng matinding buhos ng ulan dala ng hanging habagat na pinalakas ng bagyong Maring. Sinabi ng tagapagsalita ng mataas na hukuman na si Theodore Te na maaari rin magsuspinde ng pasok ang mga korte sa labas ng Metro Manila depende sa desisyon ng executive judge. Dagdag ni Te na sinuspinde na rin ang operasyon sa Antipolo City Regional Trial Court, ayon kay Deputy Court Administrator Raul Villanueva, maging ang mga korte sa Sta.Cruz, Siniloan at San Pablo City sa Laguna, at Bulacan. Samantala, suspendido rin ang kalakalan sa Philippine Stocks Exchange. "There will be no trading, clearing and settlement today at the Securities Clearing Corporation of the Philippines due to suspension of bank clearing," pahayag ng PSE. Sarado rin ang embahada ng Estados Unidos sa Maynila dahil sa "severe flooding in and around Metro Manila." "Consular services have been suspended in order to keep the public and our employees safe. Individuals with scheduled visa interviews should watch our website or contact our visa information service at 02-982-5555 to reschedule," ani ng embahada.

ANTIPOLO CITY REGIONAL TRIAL COURT

BULACAN

DEPUTY COURT ADMINISTRATOR RAUL VILLANUEVA

ESTADOS UNIDOS

KORTE SUPREMA

METRO MANILA

PHILIPPINE STOCKS EXCHANGE

SAN PABLO CITY

SECURITIES CLEARING CORPORATION OF THE PHILIPPINES

THEODORE TE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with