^

Balita Ngayon

Wala akong sex video - Kaye Abad

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Confident ang Kapamilya actress na si Kaye Abad na wala silang sex video ng kanyang ex-lover na si Chito Miranda.

 â€œOkay ako. Confident ako… Wala,” kumpiyansang pahayag ni Kaye kahapon sa pictorial ng bago niyang teleserye na “Annaliza.”

Napag-usapan ito dahil nitong nakaraang pagsisimula ng Agosto ay kumalat ang intimate video ni Chito at ng kanyang present girlfriend na si Neri Naig. Matagal din ang pinagsamahan ni Kaye at Chito ngunit natapos ito noong 2009.

Naiintindihan ni Kaye kung bakit nasasabit ang kanyang pangalan sa usapan pero aniya mas mabuting hindi na siya magkomento sa nangyari sa ex-boyfriend.

“May mga kaibigan din akong reporters, and I promised them na hindi ako mag-co-comment about it,” sabi ni Kaye.

“Even before sa mga issues ko. I never commented sa mga controversy sa akin, lalo na kung hindi ako dawit, hindi ako involved. Para sa akin, respeto na lang doon sa dalawa,” dagdag ni Kaye. added.  “Kung sila di nagsasalita, bakit ako magsasalita?”

Kontrabida

Inamin ni Kaye na draining ang maging kontrabida sa Annaliza na umeere bago ang “TV Patrol.”

 â€œMalala si Stella. Yun lang masasabi ko. Malala siya,” patukoy ni Kaye sa kanyang karakter.

 â€œMinsan, pag inaarte ko na siya, natatawa ako. Para akong baliw,” dagdag niya.

vuukle comment

AGOSTO

AKO

ANNALIZA

CHITO

CHITO MIRANDA

KAYE

KAYE ABAD

MALALA

NERI NAIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with