'Salongsu, salongki' text umano ng Riyadh labor official sa OFW
MANILA, Philippines – Muling nagharap sa Senado ang tatlong biktima umano ng “sex-for-flight†scheme at ang inirereklamong labor official sa Riyadh ngayon Huwebes.
Sinabi ng isang biktimang si “Michelle†na pinagtangkaan siyang gahasain at ibugaw ni labor attaché Antonio Villafuerte sa isang Egyptian national.
Upang mas makilala, tinanggal ni Michelle ang kanyang belo.
“Ngayon Mr. Villafuerte, naaalala mo po ba ako... 'yung ginawa nyo sa akin?" tanong ni Michelle habang umiiyak.
Kuwento pa ni Michelle na nakakatanggap siya ng mga text message mula kay Villafuerte tungkol sa kanyang underwear tulad ng “salongsu†at “salongki.â€
Kinupirma naman ni Villafuerte kay Senator Jinggoy Estrada na kilala niya si Michelle ngunit itinanggi nitong pinagtangkaan niya ito ng masama.
"Hindi ko po inaasahan na itatanong niya po sa akin ay sobrang kabastusan," sabi naman ng isa pa umanong biktima na si “Angel.â€
Isinagawa ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon sa umano’y pambubugaw ng labor officials sa mga babaeng overseas Filipino worker kapalit ng pagpapauwi sa kanila.
- Latest
- Trending