^

Balita Ngayon

Napoles, utol nawawala - NBI

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naglunsad na nang malawakang manhunt operation ang National Bureau of Investigation (NBI) upang tugisin ang negosyanteng si Janet Lim-Napoles at ang kapatid niyang si Reynald “Jojo” Lim ngayong Huwebes.

Kasunod ito ng pagkabigong arestuhin ng NBI si Napoles at Lim kagabi matapos maglabas ng arrest warrant ang Makati Regional Trial Court para sa kasong illegal detention at kidnapping.

Nagtungo ang mga awtoridad sa bahay ng dalawang suspek sa Muntinlupa, Ayala, Pasig, Makati at Taguig, ngunit ni anino ng dalawa ay hindi nakita.

"They are very elusive," pahayag ni NBI director Nonnatus Rojas sa isang panayam sa telebisyon.

Pinaaresto si Napoles at Lim dahil sa umano’y pagbihag sa whistleblower na si Benhur Luy noong Disyembre 2012. Si Luy ang nagsiwalat ng umano’y pangungurakot ng milyung-milyong pisong Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala sa tawag na Pork Barrel ng mga mambabatas.

Pero kahit hindi makita ay naniniwala si Rojas na nasa bansa pa ang dalawang suspek dahil inalerto na nila ang mga international gateways.

Hinimok ni Rojas ang publiko na ipagbigay alam sa kanila kung nasaan si Napoles at Lim. Maaaring tumawag sa 0929-295-8888.

Samantala, duda ni Justice Secretary Leila de Lima na may nag “tip” sa magkapatid na aarestuhin sila kaya sila nakatakas.

BENHUR LUY

JANET LIM-NAPOLES

JUSTICE SECRETARY LEILA

MAKATI REGIONAL TRIAL COURT

NAPOLES

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NONNATUS ROJAS

PORK BARREL

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

ROJAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with