^

Balita Ngayon

Janet Napoles may dinalaw sa Malacañang?

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – May dinalaw na opisyal sa loob ng Malacañang ang kontrobersyal na negosyanteng si Jeane Napoles, ayon sa isang mambabatas ngayong Miyerkules.

Sinabi ni 1-BAP Party-list Representative Silvestre Bello III na namataan niya si Napoles noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa loob ng Palasyo.

“Ako siguro nakita ko na si Napoles pero I didn’t get the opportunity to meet her," sabi ni Bello. "Napadalaw siya sa Malacañang noong araw pero I didn’t even know that she is that Napoles noon. "

"I think panahon yata ni GMA pero earlier part... kaya nga hindi ako sure nang makita ko sa TV, parang nakita ko na ito sa Malacañang, ganoon ang nasa isip ko," dagdag ng mambabatas.

Laman ng balita ang pangalan ni Napoles na umano’y nasa likod ng P10-bilyon pork barrel scam kung saan sangkot ang mga senador at kongresista.

Sinabi ni Bello na hindi niya alam kung ano ang ginagawa ni Napoles noon sa Palasyo.

"Yun lang ang hindi ko alam, kung sino ang dinalaw niya. Ang dami namang opisyales doon sa Malacañang eh."

vuukle comment

JEANE NAPOLES

LAMAN

MALACA

NAPOLES

PALASYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with