PNP kukuha ng 30K sibilyang empleyado
MANILA, Philippines – Inihayag ni Pangulong Benigno Aquino III ngayong Martes na plano ng gobyerno na kumuha ng 30,000 empleyado sa susunod na dalawang taon para sa Philippine National Police, upang punuan ang puwestong iiwanan ng mga pulis na ipakakalat na sa mga lansangan.
"Sa naitala po kasing 146,085 nating pulis nitong Abril, nasa 30,000 ang may trabahong administratibo. Malayo po ito sa target nating magkaroon ng 1 is to 500 ratio para sa actual field personnel-to-population ratio,†sabi ni Aquino sa kanyang talumpati sa 112th anibersaryo ng Police Service sa PNP headquarters Camp Crame, Quezon City.
"Ang ating solusyon: kumuha ng tatlumpung libong non-uniform personnel sa susunod na dalawang taon," dagdag ng Pangulo.
Aniya layunin ng kanilang planong nasa ilalim ng Operation Transformation Program ng PNP na lumawak ang police visibility at makagawa ng mas maraming trabaho.
"Sa kasalukuyan, nasa 37,578 units na ng Glock 17 9mm pistol ang nai-deliver mula sa kabuuang 74,879 units para sa PNP. Bulto-bulto pang ihahatid ang natitirang baril sa mga darating na buwan, hanggang sa maisara na natin ang ating kakulangan sa larangang ito," sabi niya.
Sinabi pa ni Aquino na may P9 milyon ang nakalaan upang mapalakas ang operational capability ng PNP."Iyong short cut po, saan pupunta ‘yan—sa move, shoot, and communicate, o ‘yong pag-increase ng inyong abilidad. Kakalingain kayo ng estado. Madali mangampanya para dagdag ang pagkalinga kung talaga namang tuwang-tuwa sa inyo ang lipunan," he added.
- Latest
- Trending