2 patay, 2 nawawala sa pananalasa ni 'Labuyo'
MANILA, Philippines – Dalawang katao ang iniwang patay ng bagyong “Labuyo†habang dalawa pa ang nawawala at daan-daan ang nawalan ng tirahan, ayon sa disaster response agency ngayong Martes.
Pinangalanan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga biktima na sina Joemar Salicong, 22 at Reynaldo dela Cruz, 53.
Natabunan nang gumuhong lupa si Salicong sa probinsya ng Benguet habang pagkalunod naman ang ikinamatay ni Dela Cruz sa Nueva Vizcaya.
Nakilala naman ang mga nawawala na sina Benny Amario ng Isabela at Julio Balanoba ng Batanes.
Umabot naman sa 7,100 pamilya o 31,256 na katao ang nawalan ng tirahan dahil sa pagtama ng Labuyo sa Cagayan Valley, Ilocos, Central Luzon, Bicol at Cordillera Administrative Region.
Sinabi ng NDRRMC na nasa P57,459,573.58 ang halaga ng mga ari-ariang nasira ni Labuyo, kung saan P43,130,750 dito ay mula lamang sa probinsya ng Aurora.
Samantala, suspendido pa rin ang klase sa Taguig City (pre-school hanggang high school), Valenzuela City (pre-school), Pangasinan (pre-school hanggang high school), Angeles, Pampanga (pre-school) at Baliuag University sa Bulacan (lahat ng antas).
- Latest
- Trending