^

Balita Ngayon

1 na patay sa hagupit ni 'Labuyo'

AJ Bolando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakapagtala na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng isang patay dahil sa hagupit ng bagyong “Labuyo” ngayong Lunes.

Nakilala ang biktima na si Jomer Salicom, 23, ng Tuba Benguet, na natabunan ng gumuhong lupa.

Ayon sa ulat, naglilinis si Salicom ng kanal nang bagsakan siya ng gumuhong lupa bandang alas-8 ng umaga sa Barangay Irisan, Baguio City.

Binawian ng buhay ang biktima habang ginagamot sa ospital.

Sa huling weather update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) namataan ang mata ng bagyo sa Baguio City kaninang alas-10 ng umaga.

Kaugnay na balita: 'Labuyo' humina pa, lalabas ng 'Pinas bukas

May taglay na lakas pa rin si Labuyo na 140 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 170 kph, habang gumagalaw ito pa-kanluran hilaga-kanluran sa bilis na 19 kph.

Inaasahang  nasa 360 km Kanluran ng Sinait, Ilocos Sur ang bagyo bukas o nasa labas na ng PAR.

Nakataas pa rin ang public storm warning signal number 3 sa Quirino, Nueva Vizcaya, Ifugao, Mt. Province, Ilocos Sur, Benguet, La Union at Pangasinan.

Signal number 2 naman sa Isabela, Aurora, Southern Cagayan, Kalinga, Abra, Southern Ilocos Norte, Zambales, Tarlac at Nueva Ecija, habang signal number 1 sa nalalabing bahagi ng Cagayan, Apayao, nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, Babuyan at Calayan Group, Pampanga, Bulacan, Bataan, Rizal, Northern Quezon including Polillo Island, at Metro Manila.

 

 

BAGUIO CITY

BARANGAY IRISAN

CALAYAN GROUP

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

ILOCOS NORTE

ILOCOS SUR

JOMER SALICOM

LA UNION

LABUYO

METRO MANILA

MT. PROVINCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with