^

Balita Ngayon

'Labuyo' humina pa, lalabas ng 'Pinas bukas

AJ Bolando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Humina pa ang bagyong “Labuyo” habang tumatawid ng Luzon at inaasahang lalabas na ito sa Martes ng umaga, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Lunes.

Namataan ang mata ng bagyo sa Baguio City kaninang alas-10 ng umaga.

May taglay na lakas pa rin si Labuyo na 140 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 170 kph, habang gumagalaw ito pa-kanluran hilaga-kanluran sa bilis na 19 kph.

Inaasahang  nasa 360 km Kanluran ng Sinait, Ilocos Sur ang bagyo bukas o nasa labas na ng PAR.

Pero nakataas pa rin ang public storm warning signal number 3 sa Quirino, Nueva Vizcaya, Ifugao, Mt. Province, Ilocos Sur, Benguet, La Union at Pangasinan.

Signal number 2 naman sa Isabela, Aurora, Southern Cagayan, Kalinga, Abra, Southern Ilocos Norte, Zambales, Tarlac at Nueva Ecija, habang signal number 1 sa nalalabing bahagi ng Cagayan, Apayao, nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, Babuyan at Calayan Group, Pampanga, Bulacan, Bataan, Rizal, Northern Quezon including Polillo Island, at Metro Manila.

Patuloy pa rin na palalakasin ni Labuyo ang hanging habagat na magdadala ng katamtaman hanggang panaka-nakang matinding buhos ng ulan sa Southern Luzon at Western Visayas.

BAGUIO CITY

CALAYAN GROUP

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

ILOCOS NORTE

ILOCOS SUR

LA UNION

LABUYO

METRO MANILA

MT. PROVINCE

NORTHERN QUEZON

NUEVA ECIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with