8 domestic flights kanselado
MANILA, Philippines – Walong domestic flights ang kinansela ngayong Lunes dahil sa pananalasa ng bagyong “Labuyo†sa Luzon.
Kinansela ng Cebu Pacific ang anim nilang biyahe, habang dalawa naman sa Philippine Airlines Express.
Kabilang sa mga hindi nakabiyahe ang 5J-821 Manila-Virac; 5J-822 Virac-Manila; 5J-504 Manila-Tuguegarao; 5J-505 Tuguegarao-Manila; 5J-196 Manila-Cauayan; at 5J-197 Cauayan-Manila ng Cebu Pacific, habang flight 2P-084 Manila-Basco at 2P-085 Basco-Manila ng PAL Express.
Namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mata ng bagyo sa Baguio City kaninang alas-10 ng umaga.
May taglay na lakas pa rin si Labuyo na 140 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 170 kph, habang gumagalaw ito pa-kanluran hilaga-kanluran sa bilis na 19 kph.
Inaasahang nasa 360 km Kanluran ng Sinait, Ilocos Sur ang bagyo bukas o nasa labas na ng PAR.
Pero nakataas pa rin ang public storm warning signal number 3 sa Quirino, Nueva Vizcaya, Ifugao, Mt. Province, Ilocos Sur, Benguet, La Union at Pangasinan.
Signal number 2 naman sa Isabela, Aurora, Southern Cagayan, Kalinga, Abra, Southern Ilocos Norte, Zambales, Tarlac at Nueva Ecija, habang signal number 1 sa nalalabing bahagi ng Cagayan, Apayao, nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, Babuyan at Calayan Group, Pampanga, Bulacan, Bataan, Rizal, Northern Quezon including Polillo Island, at Metro Manila.
Samantala, maraming klase sa Metro Manila ang sinuspinde upang maiwasang ma-stranded ang mga estudyante ayon sa National Disaster Risk Reduction Management (NDRRMC).
- Latest
- Trending