Pilipinas pinatawad na ng Taiwan
MANILA, Philippines - Pinatawad na ng Taiwan ang Pilipinas kasunod nang paghingi ng paumanhin ni Pangulong Benigno Aquino III sa pagkamatay ng isang Taiwanese fisherman sa Batanes noong Mayo.
Dahil dito ay tinanggal na rin ng Taiwan ang mga parusang ibinigay nila sa Pilipinas.
"Given that the Philippines has expressed its good will and apology both in writing and in deed, the ROC (Repuplic of China) government hereby pronounces that all sanctions imposed against the Philippines are lifted as of today," pahayag ng foreign ministry ng Taiwan.
Kahapon ay tumulak patungong Taiwan si Manila Economic and Cultural Office (MECO) chairman Amadeo Perez upang dalhin ang sulat Aquino sa pamilya ng nasawing mangingisdang si Hong Shi-cheng na pinagbabaril ng Philippine Coast Guard (PCG).
Sinabi ng Taiwan na natupad ng Pilipinas ang kanilang apat na kahilingan at ang isa dito ay ang pag public apology.
Nitong linggo lamang ay lumabas ang resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation kung saan inirekomenda nila ang paghain ng kasong homicide sa walong taunan ng PCG na may kinalaman sa pagkamatay ng mangingisda.
- Latest
- Trending