^

Balita Ngayon

2 kilabot na tulak ng droga huli sa Negros Occ

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang kilabot na tulak ng droga ang natimbog sa isang sting operation ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Negros Occidental.

Sinabi ni PDEA director general Arturo Cacdac Jr. ngayong Biyernes na nadakip nila sina Salic Manabilang y Sultan, 43, ng Bagondan, Cebu City at Noel Odtohan, 51, ng Barangay Zone 1-A, Pulupandan, Negros Occidental.

Nasakote ang dalawang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng PDEA Regional Office 6 sa Poloy’s Pension, Bacolod Central Market, Bacolod City, Negros Occidental nitong kamakalawa.

Nasabat mula kina Sultan at Odtohan ang apat na pakete ng shabu na may timbang na 15 gramo at ang marked money na ginamit sa operasyon.

Dinala ang nakumpiskang shabu sa PDEA RO 6 Laboratory Service upang suriin.

Nakakulong ngayon ang dalawang suspek sa back-up 1 Station, Bacolod City, Negros Occidental at nahaharap sa kasong pagtutulak ng droga.

ARTURO CACDAC JR.

BACOLOD CENTRAL MARKET

BACOLOD CITY

BARANGAY ZONE

CEBU CITY

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

LABORATORY SERVICE

NEGROS OCCIDENTAL

NOEL ODTOHAN

REGIONAL OFFICE

SALIC MANABILANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with