Danny Lim aalisin na sa Customs
MANILA, Philippines – Hindi tinanggap ni Pangulong Benigno Aquino III ngayong Huwebes ang pagbibitiw ni Bureau of Customs Deputy Commissioner for Intelligence Danilo Lim, pero aalisin pa rin niya ang opisyal sa ahensya at bibigyan ng bagong tungkulin sa gobyerno.
"I will be giving him a new assignment and we are still in the process of discussing where his new assignment will be..." pahayag ni Aquino sa isang televised press briefing sa Davao.
"He will be given a new tasking out of Customs," dagdag ni Aquino.
Sinabi ni Lim kay Aquino ang mga kalakaran ng “makakapangyarihan†sa ahensya na lalong inulan ng batikos nang makastigo ng Pangulo noong kanyang SONA ng nakaraang buwan.
"I spent most of the time getting briefed on the nitty gritty as far as the Customs is concerned, the problems that he encountered. Issues para magkaroon ng substance yung aking mga suspicions before," ani ng Pangulo.
Bukod kay Lim ay nagbitiw din sa puwesto si Deputy Commissioner for Administration Juan Lorenzo Tañada na hindi rin tinanggap ni Aquino.
Sinabi ni Aquino na hindi pa niya nakakausap si Tañada.
Samantala, iginiit ng Pangulo sa publiko na asahang magkakaroon ng malaking pagbabago sa BOC.
Nagbitiw si Customs Commissioner Ruffy Biazon ilang minute matapos ang SONA ni Aquino ngunit hindi rin ito tinanggap ng Pangulo.
Kaugnay na balita: Biazon tinamaan sa banat ni PNoy, nagbitiw sa puwesto
Matapos mapanatili ni Biazon ang puwesto ay inutusan niyang magbitiw ang 17 district directors bilang parte ng kanilang paglilinis ng ahensya.
Kaugnay na balita: Mga 'hari' sa Customs pinagbibitiw ni Biazon
- Latest
- Trending




















