^

Balita Ngayon

Bomb threat sa Court of Appeals at DOJ

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Binulabog ng magkasunod na bomb threat ang mga tanggapan ng Court of Appeals (CA) at ng Department of Justice (DOJ) ngayong Miyerkules.

Sinabi ni Senior Appellate Justice Remedio Salazar na isa sa mga tauhan nila ang nakatanggap ng tawag mula sa isang babae na may sasabog na bomba sa main building ng opisina kaninang 9:30 ng umaga.

Dagdag ni Salazar na kaagad nila itong ipinaalam sa mga security guard na humingi ng tulong sa Manila Police District.

Naantala ang operasyon ng opisina dahil pinalabas ang lahat ng empleyado.

Bandang alas-11 na ng umaga naideklara ng mga awtoridad na walang bomba sa gusali.

Samantala, ilang oras pa lamang ang nakakalipas ay isang bomb threat naman ang natanggap ng DOJ.

May tumawag umano sa opisina na may nakatanim na bomba sa ikalawang palapag ng gusali.

Wala ring natagpuang bomba sa opisina ng DOJ.

BANDANG

BINULABOG

COURT OF APPEALS

DAGDAG

DEPARTMENT OF JUSTICE

MANILA POLICE DISTRICT

MIYERKULES

NAANTALA

SALAZAR

SENIOR APPELLATE JUSTICE REMEDIO SALAZAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with