Pabuya alok ng Cotabato City kapalit ng impormasyon sa bombers
MANILA, Philippines – Nag-alok ng pabuya si Cotabato City Mayor Japal Guiani Jr. ngayong Martes sa makakapagbigay ng impormasyon para sa ikadarakip ng mga nasa likod ng pagsabog sa lungsod kahapon.
Tumanggi naman si Guiani na ipaalam kung magkano ang ibibigay na pabuya.
“I will not reveal how much money will I pay as bounty, but I can discuss it to potential witnesses and informants in my office,†sabi ni Guiani.
Walo ang nasawi matapos sumabog ang itinanim na bomba sa isang sasakyan sa Sinsuat Avenue, Cotabato City, habang 34 ang sugatan.
Kaugnay na balita: 8 na patay sa Cotabato blast
Naniniwala naman si Guiani na ang kanyang kapatid na si City administrator Cynthia Guiani-Sayadi ang target ng mga may kinalaman sa pagsabog.
Nangyari ang pagsabog habang dumaraan si Guiani-Sayadi sakay ng kanyang bullet proof na Chevrolet Suburban.
Hindi naman nasugatan si Guiani-Sayadi ngunit dalawang tauhan nito ang nasawi na sakay ng motorsiklo.
“We received information purporting there are threats on our lives one week before the incident,†Guiani said.
Inaalam pa rin ng mga awtoridad kung anong klaseng bomba ang ginamit sa insidente.
Sinabi naman ni Senior Supt. Rolen Balquin, pinuno ng Cotabato City police, na tinitignan din nila ang anggulong pagbabantasa buhay ni Guiani-Sayadi.
“Considering there were threats on their lives, we need to look into that angle, without discounting all other possible angles,†sabi ni Balquin.
- Latest
- Trending