^

Balita Ngayon

Southwest Integrated Terminal sa Parañaque binuksan na

AJ Bolando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kasabay ng pagbuhos ng ulan, inulan din ng reklamo mula sa mga pasahero ang pagbubukas ngayong Martes ng Southwest Integrated Terminal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Hindi nagustuhan ng mga pasahero ang paglipat-lipat ng sakay dahil mula ngayon ay ipinagbabawal nang makapasok sa EDSA ang mga bus na mula Batangas at Cavite.

Nakatayo ang Southwest Integrated Terminal sa may Coastal Mall na sakop na ng Parañaque City.

Sumakay ng bus mula Dasmariñas si MMDA chairman Francis Tolentino upang personal na masubukan ang bagong proyekto ng ahensya.

Pero kahit hindi ito nagustuhan ng publiko ay buong suporta ang ibinigay ng mga alkalde ng probinsya ng Cavite.

Kaugnay na balita: Cavite mayors suportado ang MMDA bus terminal project

"We will do our best to explain to our constituents and the bus operators the benefits of this terminal project," pahayag ni Noveleta Mayor Enrico Alvarez sa pagpupulong ng mga alkalde kay MMDA chairman Francis Tolentino sa Makati City noong Hulyo 31, 2013.

Iginiit naman ni Tolentino na malaki ang maitutulong ng bago nilang proyekto upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa EDSA.

“Maaalis natin ang kolorum (dahil sa bagong terminal) sila andoon sa labas,” sabi ni Tolentino sa isang panayam sa telebisyon. “Luluwag ng bahagya ang lansangan.”

Sinabi pa ni Tolentino na maging ang kaligtasan ng mga pasahero ay masisiguro dahil wala aniya’y maitatalang “petty crimes” sa loob ng terminal.

“Ayaw natin sila (publiko) ilagay sa peligro, dito safe sila, may mga pulis tayo dito, cctv, passengers lounge. Maaalis natin  ang krimen,” ani Tolentino.

Sinolusyunan din ni Tolentino ang alalahanin ng mga apektadong pasahero dahil sa doble-dobleng pamasahe.

Naghain ng petisyon si Tolentino sa Land Transportation Franchising Regulatory Board na ibaba ang pamasahe ng mga bus na maaapektuhan ng Southwest Integrated Terminal. Nakatakda itong dinggin ngayong linggo.

Malawak ang terminal sa Parañaque City na kayang tanggapin ang 955 pampasaherong bus na may biyaheng Cavite at Batangas kada araw.

Isa lamang ang Southwest Integrated Terminal sa tatlong planong terminal ng MMDA upang pagbawalan ang mga provincial bus na pumasok sa Metro Manila na inaasahang magreresulta sa pagluwag ng trapiko.

Nakatakdang buksan ang dalawa pang terminal sa Trinoma Mall sa Quezon City para sa mga bus na galing ng Hilagang Luzon at isa sa Alabang, Muntinlupa para sa mga galing sa Katimugang Luzon.

BATANGAS

BUS

CAVITE

FRANCIS TOLENTINO

SOUTHWEST INTEGRATED TERMINAL

TERMINAL

TOLENTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with