^

Balita Ngayon

Sa planong pagbalik, Willie wala pang nakakausap sa ABS-CBN

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nilinaw ng host na si Willie Revillame na wala pa siyang nakakausap na mga boss ng ABS-CBN matapos niyang kumpirmahin na matatapos na sa Oktubre ang kanyang noontime show na “Wowowillie” sa TV5.

“Wala akong nakakausap. Hindi naman totoo na nakapag-usap… Even si Ma’am Charo (Santos-Concio, ABS-CBN president), pahayag ni Willie sa isang panayam niya na lumabas sa local entertainment website na Philippine Entertainment Portal (PEP).

Sinabi ni Willie na hindi naman siya bastos para gawin iyon dahil hindi pa naman tapos ang kontrata niya sa Kapatid network.

Kaugnay na balita: Willie, babalik ng ABS-CBN ?

 â€œIt’s unethical for me, sa sarili ko, if I talk to any channel right now. Hindi pa tapos ang contract ko. After October 15, then, I’m free,” dagdag ni Willie na nagsimulang maging noontime showhost sa Kapamilya network.

Kaugnay na balita: Willie Revillame wala nang pupuntahan pag tsinugi ng TV5

“I’ll finish my contract by October 15. May negotiations kami, I have a meeting with them. Kung kukunin ba ako ng TV5, may negotiation…. Kung hindi naman, magpapasalamat ako sa kanila,” sabi ni Willie.

Lumayas ng ABS-CBN noong 2010 ang kontrobersyal na host matapos hindi magustuhan ang pambabatikos sa kanya ng kolumnistang si Jobert Sucaldito na radio host din ng DZMM.

Dinala ni Willie ang kanyang programa sa TV5 noong Oktubre 2010 at tatlong beses itong na-reformat.

Sa panayam naman ng Philippine Star entertainment editor Ricky Lo, sinabi ni Willie na pagtutuunan muna niya ng pansin ang kanyang ipinapatayong condominium na Wil Tower sa Quezon City pagkatapos ng kanyang kontrata sa TV5.

 

AFTER OCTOBER

JOBERT SUCALDITO

KAUGNAY

OKTUBRE

PHILIPPINE ENTERTAINMENT PORTAL

PHILIPPINE STAR

QUEZON CITY

WILLIE

WILLIE REVILLAME

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with