^

Balita Ngayon

Lalaki muntik nang tumalon mula sa condo sa Mandaluyong

AJ Bolando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang lalaki ang nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ika-18 na palapag ng isang condominium sa Mandaluyong City ngayong Huwebes ng umaga.

Ayon sa isang ulat sa radyo, nasa terrace na ng unit 1811 ang hindi pa nakikilalang lalaki at nakaambang tumalon nang makita ng isang residente.

Nang malaman na may nakakita sa kanyang gagawin ay bumalik ang lalaki sa loob ng kanyang unit sa Soho central private residences na nasa panulukan ng Shaw boulevard at kalye ng Mayflower sa Greenfield District na dating EDSA Central.

Kaagad rumesponde ang Special Rescue Unit ng Mandaluyong fire station upang kausapin ang lalaki na hanggang ngayon ay nakakulong sa loob ng kanyang kwarto.

Tumulong na rin ang Makati rescue upang mapigilan ang lalaki sa pagtalon.

Kasalukuyang hinahanap ang kapatid ng lalaki na siyang may-ari ng unit upang kumbinsihin na huwag ituloy ang pagpapakamatay.

vuukle comment

AYON

GREENFIELD DISTRICT

HUWEBES

ISANG

KAAGAD

KASALUKUYANG

LALAKI

MAKATI

MANDALUYONG CITY

SPECIAL RESCUE UNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with