^

Balita Ngayon

Erap kakasuhan dahil sa 'bus ban'

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Planong kasuhan ng isang commuter protection group si dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada at iba pang opisyal ng lungsod dahil sa pagbabawal sa mga bus na pumasok sa lungsod.

Bukod sa pagsasampa ng kaso ay nais din ng grupong National Center for Commuter Safety and Protection (NCCSP) na humingi ng temporary restraining order (TRO) sa “bus ban” ng Maynila na nagbabawal pumasok sa mga bus na walang terminal sa lungsod.

Kaugnay na balita: Nagkalituhan pero trapik bahagyang naibsan: Bus ban sa Maynila, sinimulan na

"It is going to be a long and tedious meeting among the board of trustees so that we can out out a program to handle the situation and look for legal ways to address it and probably, still work with social pressure," pahayag ni NCCSP President Elvira Medina.

"A TRO could be one of them. We have a track record on this already," dagdag niya.

Binatikos ni Medina ang ordinansa ng Maynila at kinuwestiyon kung bakit ang mga bus na galling San Juan kung saan dating alkalde si Estrada ay pinapayagan pa rin pumasok ng Maynila.

"Open your eyes. Put the commuter within your sight. We do not know where he is coming from? Who advised him? We can never tell," sabi ni Medina.

"Kung sa kanya yun bakit di niya pinaalis yung mga bus na dumaadaan sa San Juan,” dagdag ni Medina.

Samantala, ayon kay Manila Vice Mayor Isko Moreno, isa lamang ito sa mga paraan upang mabawasan ang problema sa trapiko, gayundin ang mga pagsugpo sa nag­lipanang mga kolorum.

Kaugnay na balita: Sa kabila ng mga reklamo at batikos bus ban sa Maynila, mananatili

Kaninang umaga naman ay nilinaw ni Estrada na tanging mga kolorum lamang na bus ang pinagbabawal nilang pumasok sa Maynila.

Kaugnay na balita: 'Bus ban' sa Maynila, mga colorum ang target - Erap

Sinabi pa ni Estrada na isusunod niyang linisin at ayusin ay ang mga kuliglig at pedicab na naglipana sa kalsada ng lungsod.

Kaugnay na balita: Kuliglig, pedicab isusunod ni Erap

 

BAN

BUS

COMMUTER SAFETY AND PROTECTION

ERAP

KAUGNAY

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MAYNILA

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with