^

Balita Ngayon

SONA ni PNoy maaaring ulanin - PAGASA

AJ Bolando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Maaaring ulanin ang ikaapat na State of the Nation Address ni Pangulong Benigno Aquino III, ayon sa state weather bureau ngayong Lunes ng umaga.

Sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na wala namang namumuong sama ng ng panahon sa Philippine Area of Responsibility ngunit magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may tsansang umulan sa Metro Manila mamayang hapon o gabi dahil sa localized thunderstorm.

Dagdag ng PAGASA na makakaranas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Visayas at Mindanao dahil sa intertropical convergence zone (ITCZ).

Nakatakdang ilahad ni Aquino ang kalagayan ng bansa mamayang alas-kwatro ng hapon sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.

Bukod sa SONA ni Aquino ay magbubukas din ang 16th Congress kung saan ihahalal din ang bagong Senate President, Senate President Pro Tempore, House Speaker, Majority Leader at Minority Leader.

 

AQUINO

BATASANG PAMBANSA COMPLEX

HOUSE SPEAKER

MAJORITY LEADER

METRO MANILA

MINORITY LEADER

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

QUEZON CITY

SENATE PRESIDENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with