^

Balita Ngayon

Pagdinig sa 'Jose Velarde' case ipinatigil ng SC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema na pumipigil sa kasong plunder na isinampa ng Office of the Ombudsman laban sa negosyanyteng si Jaime Dichaves, ang itinuturong may-ari ng kontrobersyal na “Jose Velarde” bank account.

Bukod sa Office of the Ombudsman, ipinatitigil din ng mataas na hukuman ang pagdinig ng kaso sa Sandiganbayan na unang pumutok noong 2001 pagkatapos mapalayas sa puwesto si dating Pangulong Joseph Estrada.

Natapos ang botohan ng 3rd Division ng Korte Suprema sa 4-0 at isang nag-inhibit para ilabas ang TRO.

Sina Associate justices Marvic Leonen, Jose Mendoza, Roberto Abad at Presbitero Velasco, Jr. ang bumoto pabor sa pagpapatigil ng pagdinig ng kaso.

Nag-inhibit naman si Associate Justice Diosdado Peralta dahil kabilang siya sa mga nagsakdal kay Estrada noong 2007.

Sina Dichaves at Estrada ang itinuturong may kinalaman sa pagbubukas ng bank account sa Equitable-PCI na nakatanggap ng P210 milyon mula sa mga government-owned corporations na bumili shares sa kompanyang Belle Corporation.

ASSOCIATE JUSTICE DIOSDADO PERALTA

BELLE CORPORATION

JAIME DICHAVES

JOSE MENDOZA

JOSE VELARDE

KORTE SUPREMA

MARVIC LEONEN

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PRESBITERO VELASCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with