Kilabot na tulak ng droga sa Cebu arestado
MANILA, Philippines – Tiklo ang isang miyembro ng kilabot na drug group sa Cebu, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngayong Huwebes.
Pinangalanan ni PDEA chief Arturo Cacdac Jr. ang suspek na si Erlando Bonghano Oyao, 56 at residente ng Barangay Agus, Lapu-lapu City.
Ayon kay Cacdac, pangatlo sa listahan ng target list of drug personalities ng probinsya si Oyao na pinaniniwalaang miyembro ng Winnie delos Santos drug group.
Nadakip ang suspek sa isang buy-bust operation noong Hulyo 8 sa Barangay Agus matapos bentahan ng 15 gramo ng shabu ang isang undercover agent ng PDEA.
Kapatid ni Oyao ang kapitan ng Barangay Agus na si Bo Ayao, na natalo sa pagka-kongresista sa Lapu-lapu City sa halalan noong Mayo 13.
Una nang naaresto si Oyao dahil sa kasong pagtutulak ng droga ngunit napalaya siya noong 2002.
Nakumpiska rin kay Oyao ang dalawnag pakete ng hinihinalang cocaine.
- Latest
- Trending