Hataman tuloy ang pagtalaga ng mga babaeng Moro
MANILA, Philippines – Nadagdagan pa ang mga babaeng Moro na itinalaga ni Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Mujiv Hataman sa executive department upang tulungan siya sa pagpapatakbo ng rehiyon.
Sinabi ng bagong talagang local government secretary ng ARMM na Anwar Malang na ito ang unang beses sa kasaysayan ng rehiyon mula nang mabuo ito noong 1990 na magtalaga ng mga babaeng Moro sa gobyerno nila na tinatawag ding “Little Malacanang.â€
Nitong Miyerkules ay ginawang chief-of-staff ng Office of the Regional Governor si Amihilda Sangcopan, habang regional executive secretary naman ang abogadong si Laisa M. Alamia at Cabinet Secretary si Khal Mambuay-Campong.
Pinalitan ni Sangcopan si dating ORG chief-of-staff Dr. John Magno na nagbitiw sa puwesto.
Una nang nahawakan ni Sangcopan ang puwesto noong Disyembre noong nakaraang taon.
- Latest
- Trending