^

Balita Ngayon

OFWs apektado pa rin ng freeze hiring sa TWN

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Apektado pa rin ng Balintang Channel shooting incident ang trabaho ng libu-libong overseas Filipino worker sa Taiwan.

Mula nang mangyari ang pamamaril sa mangingisdang Taiwanese noong Mayo 9 ay hindi pa rin tinatanggal ng Taiwan ang freeze hiring sa mga Pilipino.

Nasa 10,000 OFW ang nakatakdang umuwi dahil hindi na ni-renew ang kanilang mga kontrata.

Sinabi ni Taiwanese president Ma Ying-jeou na magpapatuloy ang freeze hiring hangga’t humingi ng kapatawaran ang Pilipinas.

"We are waiting for a response from the Philippines. If there is a positive response, we definitely will lift the sanctions," pahayag ni Ma.

Iniutos din ni Ma ang pagpapatigil ng mga kalakaran ng Taiwan sa Maynila.

Ayon naman sa Hong Kong-based political analyst na si Philip Bowring, balewala ang paghingi ng kapatawaran ng Pilipinas dahil kahit anong mangyari ay hindi makukuntento ang Taiwan.

"The reaction by the government in Taipei, with economic and other sanctions, is out of all proportion given that this unfortunate event was clearly the result of local misjudgment ... For (the Taiwanese), an apology from the president of the Philippines is not enough. The Filipinos must grovel, be reminded that they, like Malays generally, are the serfs of the region," sabi ni Bowring sa kanyang column.

APEKTADO

AYON

BALINTANG CHANNEL

BOWRING

HONG KONG

INIUTOS

MA YING

MAYNILA

PHILIP BOWRING

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with