^

Balita Ngayon

Puganteng rape suspect dakip sa Kidapawan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Balik kulungan ang isang pugante matapos siyang makorner ng mga pulis nitong Linggo sa Kidapawan City.

Ayon kay Superintendent Leo Ajero na hindi na nanlaban ang suspek na si Armando Minoza nang arestuhin siya ng mga awtoridad.

Higit tatlong buwan nang nagtatago si Minoza sa mga pulis matapos pumuga noong Marso. Nahaharap sa kasong rape si Minoza.

Inaresto ng mga pulis, na nagpanggap na magsasaka, si Minoza habang nagpapahinga sa loob ng bahay ng kaibigan niya.

“He did not resist arrest. He was stunned when he saw police operatives surround him while in bed,” sabi ni Ajero.

Nadakip si Minoza dahil sa tulong ng mga residente ng Barangay Paco na nagbigay ng tip sa mga pulis.

Pinag-aaralan na ng mga pulis ang isasampang kaso sa kaibigan ni Minoza na nagpatuloy sa suspek mula noong tumakas siya.

 

vuukle comment

AJERO

ARMANDO MINOZA

AYON

BALIK

BARANGAY PACO

HIGIT

INARESTO

KIDAPAWAN CITY

MINOZA

SUPERINTENDENT LEO AJERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with