Pilipinas tinawag na 'troublemaker' ng Chinese general
MANILA, Philippines – Tinawag na “troublemaker†ng isang Chinese military general ang Pilipinas kaugnay ng agawan sa South China Sea.
"The role of the Philippines in the South China Sea is actually, in my view, a troublemaker," pahayag ni People's Liberation Army Major General Luo Yuan, na kilalang "The Hawk" sa kanyang unang panayam sa foreign media.
Dagdag ni Luo na pinalala ng Pilipinas ang sitwasyon matapos nitong hingin ang tulong ng Estados Unidos na tinawag naman niyang “biased†sa agawan ng teritoryo sa Spratlys.
Tinawag din ng isang Chinese news analyst ang Pilipinas bilang “troublemaker†dahil sa paghingi ng tulong sa ibang bansa.
Binalaan din ni Luo, na siya ring vice minister of World Military Research Department of the Academy of Military Sciences sa Beijing, ang India na huwag palakasin ang puwersa ng military sa Depsang Valley border.
"No other major country in this world has been subjected to foreign aggression and invasion by other major countries, so that is why no other country is more eager than China to become strong," sabi ni Luo.
Hindi hinahayaan ng China na okupahan ng Pilipinas, Malaysia, at Vietnam ang mga maliliit na isla sa South China Sea kasabay ng pag-aangkin nila sa buong katubigan.
- Latest
- Trending