Benaldo maaaring makasuahan matapos mag-'suicide'
MANILA, Philippines – Maaaring makasuhan si outgoing Cagayan de Oro City 1st District Rep. Benjo Benaldo ng "alarm and scandal" matapos niyang barilin ang sarili sa loob ng House of Representatives nitong Huwebes ng gabi, ayon sa isang opisyal ng pulis.
"Posible rin (na kakasuhan) kung may magku-complain. As of now, wala pa kaya wala akong masasabi," pahayag ni Quezon City Police District chief Senior Superintendent Richard Albano sa isang panayam sa radyo.
Kaugnay na balita: Daiana’s husband shoots self
Natagpuang sugatan at duguan ang kongresista sa loob ng kanyang kuwarto sa panlimang palapag ng gusali ng House of Representatives sa Quezon City bandang alas-7 hanggang alas-8 ng gabi kahapon.
Ipapasuri ng mga pulis ang 9mm pistol na ginamit ng kongresista sa insidente.
"Ipatse-check natin kung talagang kanya ang baril," sabi ni Albano.
Samantala, nilinaw naman ni Albano na walang ebidensya ng foul play base sa kanilang pag-iimbestiga sa lugar ng insidente.
"Walang ibang daan na puwedeng pumasok ang ibang tao o umalis, isa lang ang pasukan o daanan. Ating ni-rule out ang foul play," sabi ng hepe ng QCPD.
Isinugod sa New Era General Hospital sa Quezon City si Benaldo, na may tama sa dibdib, nang makita ng kanyang mga staff na duguan. Inilipat din sa St. Luke's Medical Center ang kongresista.
Tatlong linggo na ang nakakaraan ay naging matunog ang pangalan ni Benaldo at ng kanyang Brazilian model at part-time actress na si Diana Menezes dahil sa umano’y isyu ng violence against women.
- Latest
- Trending