Eroplano ng Air Force nawawala sa Palawan
MANILA, Philippines – Nawawala ang isang eroplano ng Philippine Air Force (PAF) at mga piloto nito, ayon sa isang opisyal ngayong Lunes.
Kinumpirma ng tagapagsalita ng PAF na si Lieutenant Colonel Miguel Okol sa isang panayam sa radyo na nawalan sila ng kontak sa OV-10 630 bandang 7:30 kahapon.
Ayon kay Okol ay lumipad ang OV-10 630 kagabi kasama ang OV-10 139 para sa isang flying proficiency test nang mawalan sila ng koneksyon sa radio tower ng PAF sa Palawan.
Nakabalik naman ng maayos ang OV-10 139 isang oras pagkatapos nilang lumipad.
Kaninang bandang alas-7 ng umaga ay may natagpuang debris ng OV-10 630 sa layong one nautical mile malapit sa runway ng Puerto Princesa Airport.
Samantala, tumanggi naman si Okol na pangalanan ang mga sakay ng eroplano.
Nagsagawa na ng search and rescue operation ang Philippine Navy para sa nawawalang eroplano at mga sakay nito.
- Latest
- Trending