^

Balita Ngayon

Back-to-back na kampeonato sa Miami

AJ Bolando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasa tuktok pa rin ng mundo ang Miami Heat matapos nilang madepensahan ang kanilang titulo laban sa San Antonio Spurs, 95-88, sa game seven ng NBA Finals sa American Airlines Arena.

Pinatunayan ni four-time MVP LeBron James na siya ang hari ng liga nang isuksok niya ang krusyal na jumpshot sa 27.9 mark ng fourth quarter para bigyan ng apat na kalamangan ang Heat, 92-88.

Tumapos si James, na hinirang din na finals MVP, ng 37 points at 12 rebounds upang kubrahin ang back-to-back na kampeonato at pangatlo sa kasaysayan ng Miami.

Hindi naman nagkulang sa suporta si Dwyane Wade na may double-double output din na 23 markers at 10 boards, habang malaking surpresa si Shane Battier na tumabo ng 18 points, lahat galing sa three point area.

Bigo ang Spurs na kunin ang panlimang titulo nila sana.

Nagkaroon ng tsansa ang beteranong si Tim Duncan, na may 24 points at 12 rebounds, na itabla ang laro, 88-90, ngunit hindi pumasok kanyang lay-up gayun din ang kanyang tip-in bago sinelyuhan ni James ang laro sa kanyang jump shot.

Ang Miami ang unang kponan na makagawa ng dalawang sunod na kampeonato mula nang gawin ito nina Kobe Bryant ng Los Angeles Lakers noong 2009-2010.

Nakagawa rin ng kasaysayan ang Heat dahil sila ang unang koponan na makatalo sa Spurs sa NBA Finals.

Si James ang pangatlong manlalaro ng NBA na makakuha ng dalawang sunod na kampeonato at Finals MVP kasunod nina Bill Russel at Michael Jordan.

 

AMERICAN AIRLINES ARENA

ANG MIAMI

BILL RUSSEL

DWYANE WADE

KOBE BRYANT

LOS ANGELES LAKERS

MIAMI HEAT

MICHAEL JORDAN

SAN ANTONIO SPURS

SHANE BATTIER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with