^

Balita Ngayon

DPWH employees tatanggap ng P10k anniversary bonus

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kasabay ng paggugunita ng ika-115 anibersaryo ng Department of Public Works and Highways (DPWH), inihayag ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagbibigay ng P10,000 bonus sa bawat tauhan ng kagawaran.

"Sa isang patas pong lipunan, sinusuklian ang mabuting gawain. Kapag nagsumikap ka, may kaakibat itong karampatang balik sa iyo. Kaya naman, hindi po ako nag-atubiling lagdaan ang sampung libong Anniversary Bonus para sa bawat opisyal at kawani ng DPWH ngayong taon," pahayag ng Pangulo.

"Malinaw po sa atin na malaki ang ginagampanang papel ng DPWH sa pagsisilbing tulay sa kaunlaran ng mga kababayan nating Pilipino," dagdag ni Aquino para sa 19,253 empleyado ng DPWH.

Umaasa si Aquino na sa binigay na bonus ay lalong magsusumikap ang DPWH.

"Magsilbi po sana itong inspirasyon upang higit pa ninyong pagbutihan ang serbisyo sa bayan sa mga darating na taon," ani Pangulo.

Ipinagmamalaki ng DPWH na isa sila sa mga pruweba ng “good governance” ng administrasyong Aquino matapos maisama sa listahan ng mga pinaka-corrupt na ahensya ng gobyerno.

vuukle comment

ANNIVERSARY BONUS

AQUINO

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

DPWH

IPINAGMAMALAKI

KAPAG

KASABAY

KAYA

PANGULO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with