PNoy: 5 forecasters lamang ang umalis ng PAGASA mula 2000
MANILA, Philippines – Pinabulaanan ni Pangulong Benigno Aquino III ngayong Huwebes ang mga naglalabasang balita na marami nang weather forecaster ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang umalis sa ahensya.
Sinabi ni Aquino na base sa ulat ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Mario Montejo, limang forecaster pa lamang ang umalis sa ahensya kabilang ang dating pinuno nito na si PAGASA chief Nathaniel Servando.
Umalis si Sevando sa PAGASA upang magturo sa gitnang silangan para masustentuhan ang pag-aarala sa kolehiyo ng kanyang anak.
Kaugnay na balita: Pinuno ng PAGASA nagbitiw
Dagdag ni Aquino na sa kanyang pamumuno ay tatlong weather forecaster lamang ang umalis, kabilang si dating PAGASA administrator Prisco Nilo, na tinanggal ni Aquino dahil sa umano’y maling pagtiya nito ng panahon noong bagyong Basyang noong 2010.
Unang lumabas ang mga balita na 22 weather forecaster ang nangibang bansa mula noong 2005 hanggang 2011 dahil sa mas malaking kita.
Sinabi ni Aquino na kumuha na ang DOST ng 37 bagong meteorologists at inaasan niyang darami pa ito dahil may mga paaralan nang nag-aaloko nito bilang kurso sa kolehiyo.
"This is the biggest number of hires that ever happened with PAGASA," ani Aquino at tiniyak na walang kakulangan ng tauhan sa ahensya.
"Continuous 'yung training ng PAGASA. So umalis iyong lima, pumalit 37, may sampung nakahintay pa, eh huwag naman natin siguro sabihin sa taumbayan na mawawalan tayo ng dunong para alamin ang mangyayari sa kalagayan ng panahon," dagdag ng Pangulo.
Samantala, umapela ang mga tauhan ng PAGASA para sa kanilang annual appropriation para sa kanilang mga benepisyo upang masiguro ang tamang pagpapalabas ng pondo.
"Funding for such purpose must be included in the General Appropriations Act - government's annual budget - instead of being sourced from savings our agency might make," sabi ni Mon Agustin, pinuno ng Philippine Weathermen Employees Association of technical and non-technical personnel at PAGASA.
Dagdag ni Agustin na hindi pa nabibigay sa kanila ang kanilang mga benepisyo.
"Our hazard and longevity benefits haven't been given since January this year," ani Aguston said.
- Latest
- Trending