^

Balita Ngayon

Ro-Ro hindi ligtas sakyan - Maritime website

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Delikado umanong sakyan ang mga barko ng roll-on/roll-off (RORO), ayon sa isang website ng mga eksperto sa barko.

"Ro-ro ships have been criticized for a number of reasons, mainly because of one single reason – safety of the ship," sabi ng may akda ng istorya na si Karan Chopra sa website na Maritime Insight noong Disyembre 2011.

"Safety being the primary concern of ship owner, operator, and seafarer, lately ro-ro ship has become less famous to work on," dagdag ni Chopra.

Nagbigay ng walong dahilan si Chopra kung bakit hindi ligtas na sakyan ang mga ro-ro.

1. The Problem of Stability

2. Low Freeboard

3. Cargo Access Door

4. Lack of Bulkheads

5. Location of Life Saving Appliances (LSA)

6. Weather condition

7. Cargo stowage

8. Cargo Loading

Nitong nakaraang linggo lamang ay lumubog ang  M/V Lady of Mt. Carmel kung saan dalawa ang nasawi habang may mga nawawala pang pasahero ng barko.

Sa isang panayam sa telebisyon ngayong Martes ng umaga, sinabi ni Maritime Industry Authority (Marina) administrator Maximo Mejia Jr. na ang mga barko ng ro-ro ang “best floating or moving links” na nagsisilbing tulay sa mga kapuluan.

"The Ro-Ro ship is very popular because it's a very efficient means of transport. When we decided that we should build our nautical highway, that's because it is too expensive to build fixed links, meaning bridges, between our islands," sabi ni Mejia.

"It's the most efficient [floating or moving link]," dagdag ng administrator ng Marina.

Inamin ni Mejia na hindi madaling gamitin ang mga barko ng ro-ro, pero iginnit niya na ligtas ang mga ito.

"We can improve it and this has been shown worldwide," sabi niMejia .

Sinigurado ni Mejia sa publiko na sinusuri ng Marina ang mga Ro-Ro bawat taon.

Plano rin ng ahensya na magsagawa ng random inspection bilang paghahanda upang maiwasan ang mga aksidente.

 

CARGO ACCESS DOOR

CARGO LOADING

CHOPRA

KARAN CHOPRA

LACK OF BULKHEADS

LOCATION OF LIFE SAVING APPLIANCES

LOW FREEBOARD

MEJIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with