Oil price hike inaasahan ngayong linggo
MANILA, Philippines – Inaasahan na tataas na naman ang presyo ng petrolyo mula P0.90 hanggang P1.50 ngayong linggo dahil sa patuloy na paglakas ng dolyar, ayon sa isang opisyal ng Department of Energy (DOE).
Sinabi ni DOE-Oil Industry Management Bureau Zenaida Monsada kagabi na maaaring madagdagan ng P1.40 hanggang P1.50 kada litro ang presyo ng diesel.
Samantala, maglalaro sa P0.90 hanggang P1.10 ang halaga ng gasolina kada litro.
Kung matutuloy ang pagtaas ay ito na ang panlimang pag-akyat ng presyo ng petrolyo mula noong Mayo.
- Latest
- Trending