Ilang parte ng Metro Manila nalubog sa baha
MANILA, Philippines - Binaha ang ilang parte ng Metro Manila matapos ang matinding buhos ng ulan ngayong Huwebes ng hapon.
Sinabi ni Roger Nicodemus, communications officer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Flood Control and Information Center, umabot sa 16 pulgada ang taas ng baha sa España Avenue kaya naman hindi ito madaanan ng maliliit na sasakyan.
Inianunsyo ng MMDA sa Twitter account nito na na abot tuhod na ang baha sa España Avenue kaninang 3:20 ng hapon.
Binaha rin ang sangandaan ng AH Lacson (dating Gov. Forbes), M. dela Fuente St. (12 pulgada), at kanto ng kalye ng Maceda at Antipolo (12 pulgada) gayundin ang kalye ng Dimasalang (12 pulgada) at kalye ng Antipolo at Blumentritt (16 pulgada).
Samantala, mataas din ang tubig sa West Riverside at Del Monte Avenue ng 12 pulgada. Baha rin sa sangandaan ng EDSA at Zamora ng walong pulgada gayun sin sa inner lane ng North Avenue malapit sa Veterans Medical Center.
- Latest
- Trending