2,000 pulis ng NCRPO handa sa kalamidad
MANILA, Philippines - Nakahanda na ang higit 2,000 pulis upang rumesponde sa sakuna ngayong panahon ng tag-ulan, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ngayong Miyerkules.
Sinabi ng NCRPO na may 2,731 itong tauhan na sumailalim sa pagsasanay ng Water Survival Search and Rescue (WASAR) na handang rumesponde sa iba't ibang lugar kapag kinakailangan.
Inutusan na ni NCRPO police director Leonardo Espina ang lahat ng district directors na ilapit ang mga tauhan ng WASAR at mga kagamitan nila sa pinakamalapit na flood prone areas.
"This is to ensure that we can provide immediate response to areas that do not have sufficient equipment.Disaster may bring great damage in a second. Kung manggagaling sa malapit na police station o district ang tulong, mabilis itong makarating sa mga nangangailangan,†pahayag ni Espina.
Ibinida ni Police Senior Superintendent Tyron Masigon, pinuno ng Regional Public Safety Battalion ng NCRPO, ngayong araw ang kanilang mga kagamitan upang mainspeksyon, at pinakita ang kanilang kakayanan sa pagresponde sa oras ng kalamidad.
Isinagawa ang pagpapakita ng kanilang kahandaan bilang parte ng Disaster Preparedness Week na idineklara ni Interior Local Government Secretary Mar Roxas upang masiguro ang "zero-casualty" sa panahon ng bagyo at pagbaha.
- Latest
- Trending