Roxas: Ayala Land wala pang pananagutan sa Serendra blast
MANILA, Philippines – Hindi pa masabi ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas kung may pananagutan ba ang Ayala Land sa nangyaring pagsabog sa Two Serendra sa lungsod ng Taguig na ikinasawi ng tatlong katao.
Sinabi ni Roxas na kahit nalaman na nila ang "probable cause" ng pagsabog ay hindi pa nila matukoy kung sino ang may kasalanan sa insidente.
"We basically don't know and the whole point of the investigation is to find out what exactly happened so we will know and then we can say, well, who's at fault --if there is anybody at fault-- or was this an accident?" pahayag ni Roxas sa isang panayam sa telebisyon ngayong Lunes.
Aniya hindi matatapos ang imbestigasyon sa pagtukoy ng pinagmulan ng pagsabog.
"Was the design faulty? If the design was correct, [then] was the initial construction faulty? If that was correct, [then] was the maintenance faulty?" sabi ni Roxas.
"All of these things have to be investigated and we have to look at the facts to find out what exactly happened here so we can institute the reforms," dagdag ng kalihim.
Lumabas ang mga haka-haka na naging sanhi ng pagsabog ang ginawang pagkumpuni sa Unit 501-B ng Two Serendra, ngunit kaagad naman itong pinabulaanan ng may-ari na si Marianne Cayton-Castillo.
Naganap ang pagsabog noong Mayo 31 kung saan tumalsik ang pader nito ang bumagsak sa isang delivery van na ikinasawi ng tatlong sakay nito.
Nakilala ang mga biktima na sina Salimar Natividad, nagmamaneho ng van, at dalawang pahinante nito na sina Jeffrey Umali at Marlon Bandiola.
Limang katao pa ang sugatan kabilang ang nakatira sa condominium unit na si Angelito San Juan na hanggang ngayon ay nasa intensive care unit pa rin ng St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City.
- Latest
- Trending