^

Balita Ngayon

'Dante' lalabas ng Phl bukas

Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines – Palabas na ng Philippine area of responsibility ang tropical storm na si “Dante,” ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Lunes.
 
Namataan ang mata ng bagyo sa 1,030 kilometro hilaga-silangan ng Basco, Batanes kaninang alas-4 ng medaling araw na may lakas na 75 kilometro kada oras at bugsong aabot sa 90 kilometro kada oras.
 
Bahagya pang lumakas si Dante, na ikaapat na bagyong pumasok sa bansa ngayong taon, mula sa 11 kilometro kada oras at naging 15 kilometro kada oras.
 
Sinabi ni PAGASA weather forecaster Fernando Cada  na maaaring lumabas ng bansa ang bagyo bukas, Martes, na patuloy na pinapalakas ang hanging habagat na nagdadala ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Pilipinas.
 
Dagdag ni Cada na magiging maulap na may dalang mahina hanggang katamtamang buhos ng ulan sa kanlurang bahagi ng bansa.
 
Samantala, magiging maaraw naman sa Metro Manila ngunit may posibilidad na magkaroon ng kalat-kalat na pag-ulan sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorms o convections.
 
Ipinaalala naman ni Cada na hindi pa opisyal na nagsisimula ang panahon ng tag-ulan.
 
Namuo ang Dante mula low pressure area na naging tropical depression nitong Biyernes ng gabi.
 

BAHAGYA

BASCO

BATANES

BIYERNES

CADA

FERNANDO CADA

METRO MANILA

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with