^

Balita Ngayon

Wala pang krimen sa paligid ng mga paraalan - NCRPO

Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines – Walang naitalang krimen sa paligid ng mga paaralan sa Metro Manila simula nang magbukas ang klase nitong nakaraang linggo, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ngayong Lunes.
 
Ayon kay NCRPO chief Director Leonardo Espina, ang mapayapang linggo sa paligid ng mga paaralan ay dahil sa paglalagay nila ng mga police assistance desk (PAD) at pakikipagtulungan ng pamunuan at mga guro ng mga pampublikong paaralan, lokal na gobyerno, magulang at mga estudyante.
 
Iniutos ni Espina ang pag-iinspeksyon sa mga paaralan at pagsisiguro na nagtatrabaho ang mga pulis sa mga PAD at handa ang mga ito sa pagresponde sa anumang insidente.
 
Sinabi ni Espina na nais nilang sugpuin ang mga ‘petty crimes’ kabilang ang snatching at iba pang krimen kung saan malimit na biktima ay mga estudyante at nagaganap sa paligid ng paaralan.
 
Maglalagay rin ang pulisya ng mga PAD sa pagbubukas ng klase sa mga pribadong paaralan, unibersidad at kolehiyo ngayong araw.
 
Umaasa si Espina na mananatiling walang krimen na magaganap hanggang sa matapos ang pasukan ngayong taon.

AYON

DIRECTOR LEONARDO ESPINA

ESPINA

INIUTOS

MAGLALAGAY

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with