^

Balita Ngayon

Kasong kriminal sa PCG personnel sa Balintang shooting posible

Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines – Maaring makasuhan ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard na na sangkot sa pamamaril sa Taiwanese fishing vessel na ikinamatay ng isang mangingisda sa Batanes, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI) ngayong Biyernes.
 
Sinabi ni NBI Deputy Director Virgilio Mendez na isa ito sa mga bagay na pinag-aaralan nila na isasama sa kanilang report.
 
Pero nilinaw ni Mendez na kailangan pa nila mangalap ng karagdagang ebidensya para sa kanilang final report at rekomendasyon katulad ng medico-legal at ballistic reports mula sa Taiwan na isasalin pa sa wikang ingles dahil nakasulat ito sa Mandarin.
 
Nais din ng NBI na ibigay sa kanila ang mga balang nakuha mula sa pinagbabaril na barko.
 
Inaalam na rin ng NBI kung may record ang mga imbestigador ng Taiwan upang mapatunayan kung sino ang may hawak ng armas na ginamit sa pamamaril.
 
Hindi naman direktang sinabi ni Mendez kung makakapagpasa sila ng kanilang report kay Justice Secretary Leila De Lima sa susunod na linggo.
 
Aniya nakadepende ang draft o burador ng report sa mga papeles na hinihingi nila.
 
Dumating kahapon ang mga Taiwanese investigators upang makipagpulong sa kanilang counterparts.
 
Napagkasunduan ng dalawang bansa na magsagawa ng parallel investigation sa insidente noong Mayo 9, 2013 sa pagkamatay ng mangingisdang si Hung Shih-Cheng.
 
 

ANIYA

BATANES

DEPUTY DIRECTOR VIRGILIO MENDEZ

HUNG SHIH-CHENG

JUSTICE SECRETARY LEILA DE LIMA

MENDEZ

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PHILIPPINE COAST GUARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with